Sometimes you have to create your own beat on someone else's drum..

Blog Entry"Silip sa Wika" Wika 2007 Official Blog EntryAug 17, '07 4:05 AM
for everyone



   

"Silip sa Wika"
                      ni Raymund Salumbides

                Isang malaking pribilehiyo para sa akin ang magsulat ukol sa tema ng selebrasyon ng Wika 2007 na “Maraming Wika, Matatag na Bansa” o “A gift of tongues for a strong nation”. Para sa akin, ang pagsusulat ng “blog entry” ay parang Wika. Ito’y dapat binibigyang-pansin dahil mahalaga ang nilalaman, ito’y dapat palaganapin dahil maraming impormasyon ang maibibigay nito sa atin at dapat natin itong panatilihin dahil maaari natin itong ipasa hanggang sa susunod na henerasyon.

           

            Base sa talumpati ni G. Ricardo Ma. Nolasco Ph.D, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wika ay dapat maging sentro ng kapantasan sa literatura ng mga Pilipino. Ang wika ay dapat pagtibayin maging ito man ay ang wikang pambansa, katutubong wika o wikang pang-banyaga. Ang wika ay dapat itinuturo sa mga kabataan dahil may karapatan silang magkaroon ng kaalaman tungkol sa wika. Masasabi ko rin na ang wika ay mahalaga dahil ito ay para sa edukasyon ng ating mamamayan, pagkakakilanlan ng bansa, pakikipagdebate sa loob at labas ng bansa, sa pag-unlad ng ekonomiya at syempre, para sa ikagaganda ng midyum nating mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral ko ng Filipino noong unang taon, sinasabi na ang wika ay pinipili at isinasa-ayos, ang wika ay arbitraryo, ang wika ay nakabatay sa kultura, ang wika ay makapangyarihan, ang wika ay may antas, ang wika ay may halong pulitika, ang wika ay buhay, at ang wika ay pantao.

           

            Alam natin na ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 170 wika na bumabalot sa pitong libo isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig kahit na alam natin na halos lahat dito ay pawang mga dayalekto lamang. Sa ngayon, ang mga ito’y unti-unti nang napapabayaan dahil sa pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Philippine English. Isa pang kaalaman, maraming mga Pilipino ang hindi alam kung paano magsalita ng Tagalog dahil karamihan sa kanila ay hindi ito ang kinagisnang lenggwahe. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan, ang Filipino. Bawat isang tao sa buong mundo ay hindi lamang iisa ang alam na wika. Ito’y napatunayan ng ilang pag-aaral na ginawa ng mga dalubhasa sa wika. Isang magandang halimbawa ng taong dalubhasa sa wika ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Siya ay nakapagsasalita ng wikang Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga panlokal o katutubong wika ng Pilipinas.


Gaya ng sinabi ko, ang wika ay may kaantasan at ito’y nahahati sa 4 na parte:

Pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Wikang Filipino.

  • Kolokyalismong Karaniwan - Ginagamit na salita na may "Taglish"
  • Kolokyalismong may Talino - Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan/ Paaralan

Panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.

Pabalbal / Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. Ito’y nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)

Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.


            Isang magandang ideya ng pagpapaunlad ng 2 opisyal na wika ay ang gawing tulay ang lokal/katutubong wika upang matutuhan ang Inggles at Filipino. Ang paggamit ng wikang masama sa pandinig ng mga bata ay hindi makatutulong sa kanila dahil wala itong sapat na impormasyon na magsasabing ito’y makabubuti sa kanila at sa kanilang pag-aaral ng akademiks kundi, mas mapapasama lang sila.


            Kapag ang isang tao ay nagsasalita ng Filipino at ang kausap nito’y nagsasalita ng Tagalog, sila ay marahil nagkakaintindihan. Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika ngunit para sa ibang tao, sila’y magkaiba. Kung ganon, sila’y nagsasalita ng iisang wika.  Ang ikalawang batayan ay ang gramatika.  Ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay ang mga mapagpasyang batayan at katwiran ng wikang Filipino.


            May mga nagsasabi na ang wika ay mapagpasya o mahirap desisyunan sa pagbubuo ng isang bansa pero bakit marami sa atin ang binabalewala lang ang mga ito? Pinapahayag nito na maraming Pilipino ang umaasa sa ibang tao kahit na alam nila na di lahat ay tutugon sa kanilang adhikain. At panghuli, gaya ng sinabi ni G. Ricardo Ma. Nolasco sa pahayag ng isang katutubong Amerikano tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay na kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon.  Pero kailangan natin ang wikang sarili,  para mabuhay nang habampanahon.

<<waKas>>



PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia




20 CommentsChronological   Reverse   Threaded
leo211outlaw wrote on Aug 17, '07
10...nosebleed tsong!
crissypatootsy wrote on Aug 17, '07
10... ang deep tlga ng tagalog mo! :))
anton0306 wrote on Aug 17, '07
aus pre..lupit ng tagalog di ko malangoy..ang lalim..hehe..=]
hmmm...pde bang 11? sumobra e..hehe...
10 ang rate ko pre..aus toh.=]
crissypatootsy wrote on Aug 17, '07
pwede ko na pang assignment toh! >:) haha! lol. joke lng :P
masterdrummer wrote on Aug 17, '07
woah! pang homework! haha
jessie16562 wrote on Aug 17, '07
ang haba... anu ba toh!?!?! haha! IP haha! =P
pinoyblogosphere wrote on Aug 17, '07
nasubmit na ba to sa PBS? send mo na ;)
agent18 wrote on Aug 17, '07
10.. ^_^
masterdrummer wrote on Aug 18, '07
nasubmit na..
mixxsanity wrote on Aug 18, '07
10 10 10 10............ yan na!!!!!!!!!!!
allstarjigs wrote on Aug 18, '07
amf bat ang lalim ng tagalog mo hindi tayo Ms. Ramos!
julzguiang wrote on Aug 18, '07, edited on Aug 18, '07
aus aus...
pede na sa 10!

galing mo bides!

hindi ineexpect to see those words coming from u.. ahahha

cge.. pagpatuloy mo!

jULeS
Comment deleted at the request of the author.
blankthoughts wrote on Aug 20, '07
>:)
rakshari wrote on Aug 22, '07
ang wika ay arbitraryo, ang wika ay nakabatay sa kultura, ang wika ay makapangyarihan, ang wika ay may antas, ang wika ay may halong pulitika, ang wika ay buhay, at ang wika ay pantao


True.

Dapat mapagtanto muna ng mga Pilipino ang kagandahan ng ganitong sistema at gamitin ito sa ikauunlad ng bansa. :)
masterdrummer wrote on Aug 23, '07
salamat sa mga comment! Ü
accute11 wrote on Aug 28, '07
i like this.. ur great..
justmarkx wrote on Aug 29, '07
ang ganda naman nito!!!! nasubmit na ba????
lhujake wrote on Jun 15
paano nga ba nabuo ang wika

masterdrummer wrote on Jun 16
lhujake said
paano nga ba nabuo ang wika

please read further. :D
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help